Okay, nais ko lang iparating sa inyo kung anu ang buhay ng taong nasa ibang bansa bilang isang turista. Alam ko madaming kwento tungkol nito, pero ito ang aking kwento.
Pumunta ako sa UK bilang isang turista (tourist visa good for six months). Sabi ko isang buwan lang ako dito, isang buwan lang yong leave ko sa work. Pero for some reason, its been two months and nandito pa ako. Nagresign na ako sa work ko sa pinas, yong savings ko naubos na din, sa gala at saka padala sa pinas, kahit wala na ko work nagpadala pa din ako gamit ang savings ko. Ngaun kunti na lg savings ko. Dahil sa turista lg ako bawal akong mag work, so in short isa akong palamunin dito ng fiancee ko, as in PALAMUNIN, walang pera, nasa bahay lang, walang ibang ginagawa.
Kaya po, sa mga taong nag-iisip na porke nasa ibang bansa ka, mayaman ka na, marami ka nang pera. Wala po akong pera, hindi po namumulot ng pera ang fiancee ko para ipamigay sa inyo.
Sa mga nanghihingi ng pamasko, pasensya na po. Opo Christmas ngayon, araw ng bigayan pero iba po ung sa case ko, gustohin ko mang magbigay sa inyo pero sa ngayon pasensya na po. Mas pipiliin ko po'ng bigyan yong pamilya ko kesa sa inyo. Hindi naman kayo nanghihingi sakin dati ng pamasko nang nasa pinas pa ako, ngayon lang talaga, kasi nasa UK ako? Pasensya na po talaga, wala po akong maibigay, sana po hindi masama loob nyo po sakin.
Sana po intindihin nyo na hindi lahat ng nasa abroad madaming pera.
Ngayon ko lang naranasan mag pasko na wala sa pinas, lungkot at saya yong nararamdaman ko. Lungkot dahil malayo ako sa pamilya ko, ang saya-saya nila, ang daming tao, may reunion, nagkita-kita ang mga mag pinsan, relatives, kantahan dito, sayawan doon at syempre napaka bonggang kainan, pero masaya ako para sa kanila :) Saya dahil masaya ako para sa kanila, masaya na akong makita silang masaya at, masaya ako dahil kasama ko ang aking mahal, kahit dalawa lang kaming nag cecelebrate, at for sure sa New Year ganun pa din, dalawa lang kmi. Kasi isang abroad din ung Fiancee ko dito, nasa ibang bansa pamilya nya.
Yon lang po.

No comments:
Post a Comment
Adventurous Thoughts!!